Thursday, January 4, 2018

Pagsusuri sa Akdang "Ang Pinili ni Uncle Ben"

Ang Pinili ni Uncle Ben
(Maikling Kuwento ng Nigeria)

Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng "Uncle Ben's Choice" ni Chinua Achebe



I. Pagkilala sa may Akda
       
       Si Chinua Achebe ay isang African-American na manunulat. Bilang manunulat, ginagamit niya ang wikang Ingles upang ilantad, pag-isahin, at ipaalam sa nakararami ang napakaraming kaugalian o kultura ng kanyang bansang Nigeria.
       Isa sa kanyang napakaraming akda ang “Uncle Ben’s Choice” o ang “Ang Pinili Ni Uncle Ben.” Ang akda niyang ito ay isang mahikal na storya na tumatalakay sa elemento ng pagpili ng tao. Katulad ng iba pang mga akda ni Chinua, “Ang Pinili Ni Uncle Ben” ay hindi isang propaganda o kung ano pa man.
       Sa halip, ito ay naglalaman ng mensahe na nais iparating ni Chinua sa kanyang mga mambabasa. Ang karaniwang tema ng kanyang mga sinusulat ay ukol sa kolonyalismo at kultura ng kanyang bansa.
       Ang nag-udyok kay Chinua Achebe upang isulat ang akdang ito a kultura na kanyang kinagisnan. Kagaya ng paniniawala sa diwata na namamahay sa ilog Niger. Isa pang dahilan kung bakit niya isinulat ang akdang ito ay sapagkat, nais niyang iparating sa kanyang mga mambabasa na may mga lalaki o tao na kayang ipagpalit ang mga materyal na hangad para sa pamilya.


II. Uri ng Panitikan
       
       Ang “Uncle Ben’s Choice” ay isang anekdota. Sapagkat ito ay tumatalakay sa mga kakatwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang tanyag o kilalang personalidad. Ito ay may dalawang uri kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawang mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng tao.

III. Layunin ng Akda
       
       Ang layunin ng may akda ay ang pagpakita nito ng kung gaano ang halaga ng pagkakaroon ng pamilya kaisa sa mga materyal na bagay. Kung mas pinahalagahan mo ang iyong yaman kaisa pamilya, mawawalan rin ng silbi ang yaman mo dahil hindi mo ito madadala pagkatapos ng iyong pagpanaw, kagaya sa nangyari kay Dr. J.M Stuart-Young.

IV. Tema o Paksa ng Akda
       
       Ang tema ng maikling kuwento ay tungkol sa kung gaano kaimportante ang pamilya sa kultura ng Nigeria. Kung saan hindi nagpadala si Uncle Ben sa tukso ni Mami Wata na maging romano katoliko si Ben ngunit mas pinili niyang makuntento sa kanyang sariling kultura. Ipinahayag ng manunulat ang halaga ng kayamanan kung wala ka ring pamilyang pagbabahagian nito.

V. Mga Tauhan o Karakter sa Akda


  • Uncle Ben= isang Klerk sa Niger Company sa Umuru, mapagmahal sa kanyang pamilya at hindi nag titiwala sa mga segunda manong bagay
  • Tatay= ama ni Uncle Ben na nagbibigay sa kanya ng mga payo
  • G.B Olivant= nakatira na ngayon sa dating bahay ni Uncle Ben
  • Matthew Obi= ang kaibigan at kapit bahay ni Uncle Ben 
  • Mga Babae sa Umuru= ayon kay Ben, sila ay magaganda ngunit tuso
  • Margaret Jumbo= ang babaeng nagustohan ni Ben, siya ay naiiba daw sa mga babaeng Umuru ayon kay Uncle Ben
  • Senior Clerk= nabilanggo dahil nagnakaw ng ilang paldo ng kaliko at siya ang pinalitan ni Uncle Ben sa trabaho
  • Mami Wata= siya ang diwata ng ilog Niger na bumista at nag-alok kay Ben na maging karelasyon
  • Dr. J.M Stuart- Young= siya ay isang komersiyanteng puti na naging kalaguyo ni Mami Wata
VI. Tagpuan/Panahon
  • Unang tagpuan: noong mil nuwebe siyentos disinuwebe o 1919 sa Niger Company sa Umuru kung saan nagtrabaho si Ben bilang isang klerk.
  • Pangalawang Tagpuan: Sa isang linggo ng umaga at nakikinig si Ben sa gramopon at nakatayo sa may bintana at nakikita niya ay ang kalsada kung saan nakita niya si Margaret at nakita ni Margaret si Ben.
  • Ikatlong Tagpuan: Noong Bisperas ng Bagong taon, naisipan ni Ben na pumunta sa Club, ang tinutukoy nita dito ay ang African Club.
  • Ikaapat na Tagpuan: Umuwi si Ben papunta sa kanyang pamamahay na isang maliit na bahay ng kompanya kung saan malapit ang Ilog Niger.
  • Ikalimang Tagpuan: Kumaripas ng takbo si Ben papunta sa bahay ni Matthew, Ang Diyos daw ang naghatid sa kanya papunta ruon.
  • Ikaanim na Tagpuan: Nasa kasalukuyan na tayo sa mundo ni Ben kasama na ang mga asawa niya na pinagtatawanan siya dahil sa kwento niya sa nangyari sa kanya noon.
VII. Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

       "Ang Pinili ni Uncle Ben" ay isang kawili-wiling kwentong mapagpupulutan ng aral. Ipinakita rito ang pananaw ng isang lalaki sa mga babae, at ang pagiging maingat ni Uncle Ben sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya. May ganap sa istorya na mahiwaga at di pang-karaniwan katulad ng paglitaw sa kama ni Uncle Ben ng isang diwatang ibibigay ang lahat ng kagustuhan mo. Lumapit siya sa kaniyang kaibigan, pinag-usapan ang pangyayari sa kanyang kwarto at doon nalamang si Mami Wata ang diwatang bumisita sa kaniya. Kung yaman ang hanap ni Uncle Ben dapat ay nagpadala siya sa tukso subalit kung pamilya naman ang mas mahalaga sa kaniya, tama lang ang ginawa niya. Sa huli, ipinakita na pinipili at mas importante ang pamilya kaysa sa mga materyal na bagay na hindi naman pang habambuhay.


VIII. Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
  • Tayo ay dapat alerto o hindi nawawala sa katinuan
  • Kailangang kilalaning mabuti ang mga nakapaligid sa atin upang hindi mapalapit sa tukso 
  • Gumawa o mag desisyon ng buong-buo upang walang pagsisihan sa huli
  • May mga bagay na kailanman ay hindi matutumbasan o mabibili ng salapi
  • Ang pera o salapi ay nauubos pero ang pamilya ay nandyan lagi para sayo
IX. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

       Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng may akda. Ang akda ay gumamit ng pamilyar na bokabularyo at conventional na lengwahe na kung saan ang nakararami ay nakakaintindi, maliban nalang sa mga salitang hindi namin alam ang kahulugan, halimbawa nalang ay yung “Biko akpakwana oku”. Naging informal ang dating nito dahil sa parang pagka-friendly environment ng pakukuwento ng mga pangyayari.

X. Buod

       Si Ben o Uncle Ben o mas kilala na Jolly Ben ay isang klerk sa Niger Company noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe at ang isang klerk noong panahong iyon ay katumbas na rin ng ministro sa kasalukuyan. Ang taong saro sa kanilang kompanya ay ang may pinakamataas na posisyon noon na para sa kanila ay para ring isang Gobernador-Heneral. Jolly Ben ang tawag ng lahat sa kanya. Sinabi sa kanya ng kanyang ama na kailangan niya matutong matulog na dilat ang isang mata para maging isang tunay na anak na bayan. Sadyang matatalas ang mga babae sa Uhura dahil bumibilang ka pa lamang ng isa ay nakakabilang na sila ng dalawa. Kaya ang bilin sa kanya ng kaniyang ama ay kailangang mag-ingat kapag labis ang pagbati sa kanya. Ngunit iba sakanila si Margaret na may malinaw na balat. Gusto ni Margaret na si Ben ay maging Romano Katoliko. Pumunta si Ben sa club dahil bagong taon at makapal nanaman ang bulsa. Natatawa siya sa mga kabataan dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng pag-inom at hindi niya pinaghahalo ang kanyang mga iniinom. Umuwi siya para matulog ngunit noong panahon na iyon ay nabilanggo ang kanilang senior clerk kaya si Ben naman ang pumalit sa kanya. May nakita siyang babae sa kaniyang katre at inisip niya na baka si Margaret iyon ngunit kahit anong paamo at tanong niya rito ay ayaw paring magsalita. Pinapalapit siya ng babae sa katre at sasabihin daw niya kung sino siya habang si Ben ay nangangatog at ang tono ng kanyang boses. Kaya naman ay kumaripas siya ng takbo papunta sa bahay ni Matthew, sumisigaw at kinakalampag ang pinto. Sinabi sa kanya ni Matthew na binisita siya ni Mami Wata na isang diwatang Niger at kung yaman din lang ang hangad nito ay nagkamali siya sa kaniyang ginawa. Sinabi niya sa mga asawa niya na dapat ay pinili na lang si Mami Wata at agad silang magtatawanan at alam naman nila na biro lamang iyon

1 comment:

  1. The Wizard of Vegas: The Wizard of Vegas | DrmCD
    The Wizard of Vegas: The Wizard of Vegas has been 남양주 출장안마 operating since 2001 and features 광주광역 출장안마 an 양주 출장안마 online 영천 출장샵 casino, poker room, and a live 서울특별 출장샵 poker room.

    ReplyDelete