Thursday, January 4, 2018

MGA TALULOT NA DUGO KABANATA 2 - PANGKAT TATLO (3)

Mga Talulot na Dugo Kabanata 2

(Nobela mula sa Kenya)
ni Ngũgĩ wa Thiong'o 
sinalin ni Romeo G. Dizon
ng Petals of Blood

  •                PAGKILALA SA MAY AKDA (SY MICHAEL) 
           Ang pangalan ng may akda ng "Mga Talulot na Dugo" ay si Ngũgĩ wa Thiong'ona ipinanganak noong Enero 5 taong 1938 sa Kamiriitu , Kenya Colony. Kabilang sa kanyang mga ginawa ay mga nobela, maikling kuwento, at sanaysay mula sa panitikan at panlipunan sa panghuhusga sa panitikan na pambata. Siya ang pasimuno at editor ng linggwaheng kikuyu journal Mũtĩiri. Nakatanggap siya ng pitong Honarary Doctorates. Nailimbag niya ang kaniyang unang nobela na ”Weep Not, Child” noong 1964. Ito ang unang nobela sa Ingles na nailimbag ng isang manunulat na galing sa East Africa. Ang kaniyang ikalawang nobela na “The River Between” ay nailimbag noong 1965 habang siya’y nag-aaral sa University of Leeds sa England. Itong nobelang ito ay patungkol sa nakaraan niyang Mau Mau rebellion at naglalarawan sa malungkot na pagmamahalan sa pagitan ng kristiyano at hindi kristiyano. Si Nguyi ay nakulong dahil sa kanyang pagiging kritikal ukol sa mga nagaganap na inhustisya at di pagkapantay-pantay ng lipunang Kenya. Siya ay ipinakulong ng bise-presidente ng Kenya na si Daniel arap Moi. Habang siya’y nakakulong, napagpasiyahan niyang talikuran ang wikang Ingles at yakapin ang wikang Gikusyu, wika ng kanyang bayan. Sa loob ng piitan ay isinulat nya ang unang nobela na nasa wika ng Gikuyu at ito ay kaniyang isinulat satissue paper. Nang siya’y lumaya, hindi na siya nakabalik sa kaniyang trabaho bilang propesor sa Nairobi University dulot ng pagsusulat niya tungkol sa hindi makatarungang diktatoryal na pamahalaan noong panahong iyon. Si Nguyi at ang kaniyang pamilya ay napwersang lumipat. Naging ligtas lamang para sa kanila ang bumalik makalipas ang dalawampu’t dalawang taon mula ng pagkakatanggal ni Arap Moi sa opisina.
  •  URI NG PANITIKAN (MANITI)
           Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinagsasama-sama sa isang balangkas o outline. Nagtataglay ito ng masining na pagsasalaysay ng mga pangyayari na magkaka-ugnay na nagiging dahilan upang maging kawili-wili ang isang nobela.
  •   LAYUNIN NG AKDA (CONCEPCION)
            Ang motibo ng akda ay ipakita at ipaalam sa atin na hindi kailanman dapat maliitin ang mga babae at ang mga kakayahan nila.Ipanapaalam din na mayroon silang taglay na sariling lakas.Hindi man sila kasing lakas ng mga lalaki ngunit mayroon silang lakas na ipagtanggol ang kanilang sarili.
  •                     TEMA O PAKSA NG AKDA (FAYEN)
          Ang tema ng akdang "Mga Talulot na Dugo" ay determinsasyon ng isa ng tao sa kanyang bagay na ginagawa o kagustuhan dahil sa akdang nasulat nakikita doon na ang pangunahing tauhan na si Godfrey Munira. Pinakita dito ang isang guro na pumunta sa lugar ng illmorog upang magturo sa mga tao na nakatira doon ngunit walang pumapasok na mga mag-aaral dahil na rin kadahilanang mas pinili ng mga ito ang tumulong sa pamilya. Ngunit sa kabila ng lahat, siya'y hindi natinag, nanatiling determinado at gumawa pa rin siya ng paraan para matuto ang mga kabataan at pagpapakita ng determinasyon sa isang bagay ay pagpapakita na rin ng kawilihan na maaring makaimpluwensiya sa ibang mga tao at dahil na rin sa alam naman nating lahat na ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan.
  •  MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA (ABELEDA)

Munira - Utusan na pumunta sa Ilmorog upang magturo sa kanyang sira sirang paaralan. May gusto din siya kay Wanja.
Wanja - apo ni Nyakinyua. Isang marunong na barmaid na tumatakas sa kanyang nakaraan sa isang siyudad. Siya ay may gusto kay Karega ngunit siya ay inaasam ni Munira.
Abdulla - isang shopkeeper na nawalan ng isang paa sa Maumau rebellion.
Karega - isang lalaki na nagtatrabaho bilang assistant ni Munira.
Nyakinyua- lola ni wanja.
Kimeria- isang negosyanteng na parte sa kenya elite.
Chui- isang batang estudyante na prestihiyoso. Siya rin ay isa sa kenya elite.
Nderi wa Riera- siya ay isang lokal na politician sa Ilmorog district na naninirahan at nagtatrabaho sa Nairobi.
  • TAGPUAN O PANAHON (PORRAS)

          Naganap sa Ilmorog, Kenya, (Isang bansa sa Africa). Ang Ilomorog ay isang nayon na halos desyerto na ang itsura, maalikabok at larawan ng walang kaunlaran ang paligid. Ang tanging ikinabubuhay ng karamihan ay pagbubukid. Nasasalamin sa lugar ang kasalatan sa pangunahing pangangailangan. Ito ay nang yari mga dekada 70, ilang taon lamang matapos ang kanilang paglaya mula sa kolonyalismo ng mga briton (1964)
  •    NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI (ADRIANO)
            Masasabi kong hindi pangkaraniwan ang nobelang ito kumpara sa iba dahil sa pagiging dedikado nang pangunahing tauhan na nagngangalang Minura sa pagtuturo at sa paaralan.Kung ating mapapansin na sa ibang nobela na kapag may bagong salta sa lugar, ito ay sasalubungin at babatiin dito sa nobelang ito hindi man lamang pinansin at binati ang baguhang tao sa kanilang lugar.Ang mga tauhan ay gumagamit ng mga matatalinghagang salita Kung kaya't kapag binasa mo ito kailangan mo talaga siyang intindihin.Gaya lamang ng ibang mga nobela ito ay nagsisimula sa suliranin at sa dulo ay ang pagresolba sa problema.Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ito ay madalin maintindihan kung uunawain maigi
  • MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA(PANINGBATAN)

           Ang layunin nang nobela na ito ay ipakita ang kalagayan at suliranin sa Africa at pekulyar na kultura nito, ang kanilang mga paniniwala, mga ritwal, diwa ng pamayanan at ugnayan ng mga indibidwal para mawasto at mawala ang iba`t ibang pinsalang idinulot ng pananakop ng mga Eoropeo. Ituturing ang nobelang ito bilang halimbawa kung papaano nilabanan ng mga mamamayang Aprikano ang sitwasyon na nangyare noong pananakop nang mga Eoropeo, lalo na sa papel na ginampanan nang mga pangunahing tauhan. Bagama`t nanggaling ang bawat isa sa ibang antas ng buhay, lahat ay may namumukod na pagtingin at kalutasan sa panlipiunang problema.
  • ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA (SAULOG)
Sa haba ng nobela, sa katangian nitong lalim, iba’t ibang tagpuan, maraming tahuan, paiparating ni Ngũgĩ wa Thiong'o ang gusto niyang sabihin tungkol sa mga nagaganap na inhustisya at hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ng Kenya
  • BUOD (DIZON)

           Ang istorya ay mayroong apat na na pangunahing tauhan si Munira, Abdulla, Wanja at Karega. Ang mga tauhan ay nais umalis sakanilang rural na pamumuhay. Bawat isa sa kanila ay nagtungo sa maliit na nayon. Nagpokus si Munira pagtatatrabaho sa Ilmorog bilang isang guro. Una siya ay nakilala sa hinalaat mahinang silid-aralan pagdalo. Si Munira ay nanatili at kasama ng pagkakaibigan nila ni Abdulla isa pang imigrante sa ilmorog na nagmamay-ari ng isang maliit na shop at bar.

          Di kalaunan si Wanja naman ang dumating sa maliit na nayon ng ilmorog,ang apong babae ng pinakaluma at pinaka-revered lady ng bayan. Siya ay isang kaakit-akit na bar maid. Nagsimula mahulog si Munira kay Wanja dahil sa angking ganda nito kahit siya ay may asawa. Naging mabilis naman ang paglawak ng negosyo ni Abdulla. Si Karega dumating sa ilmorog at naging assistant ni Munira sakanyang trabaho. Pagkatapos magkaroon ng relasyon si Wanja ay umalis sa ilmorog. Ang taon ng kanyang pag alis ay hindi naging kaaya-aya sa nayon sapagkat ang panahon ay masama at walang ulan nag ugat ito ng konting ani sakanila. Sa kagustuhang magkaroon ng pagbabago naging inspirasyon nila si Karega na maglakbay patungo ng Nairobi upang makausap nila ang kasama sa parlyamento.

Ang kanilang paglalakbay ay naging mahirap. Si Joseph na kinuha ni Abdulla bilang kapatid at nagtrabaho sakanyang shop ay nagkasakit.

Nang sila ay makarating na sa Nairobi ang mga taga baryo ay naghanap ng tulong. Sila ay pinalayo ng isang kagalang-galang na tao dahil iniisip nito na sila ay mga pulubi at ang mga taga baryo naman ay sinubukan maghanap ng ibang bahay upang maghanap ulit ng tulong. Ang ibang mga tagbaryo ay pinilit pumasok sa isang gusali at tinanong sila ni Kimeria isang walang awang negosyante kahit na sila pa ay nagmamakaawa at may naghahanap ng tulong para sa may sakit na si Joseph.

Nilason nya ang utak nii Wanja at pinagsamantalahan nya ito. Sa pagdating sa Nairobi ang mga taga baryo ay nagpatantuan nila na walang mangyayari at magbabago gayunpaman nakakita sila ng isang abugado na handa silang tulungan para sa kalagayan ng ilmorog.

Ito ay nakakuha ng pansin sa nation press a mga donasyon o mga tulong. Sa wakas nagkaroon ng maliwag na pamumuhay sa ilmorog at sila ay nagkaroon ng selebrasyon sumayaw at nag ritual.

Sa panahon na iyon si Karega at nagsimulang makipagusap sa abugado na nakilala nya sa nairobi. Humiling na sya ay turuan.

Si Nyakinyua ay nagoakulo ng inumin galing sa Thang'eta na iniinom ng buong taga baryo at si Karega ay nagkwento tungkol sa kanilang pagmamahalan ni Mukami ang nakakatandang kapatid ni Munira. At ang tatay ni Mukami ay tumingin kay Karega dahil sa kanyang kapatid na kasali sa Mau mau. Pwersa ng paghihiwalay. At si Mariamu at Karega ay di na nagkitang muli. Di naglaon si Mukami ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon.

Unang beses palang ni Munira nalaman ang kwento.

Isang eroplano ang bumagsak sa ilmorog. Ang asno lamang ang ang naging biktima. Napansin ni Wanja na karamihan ng tao ay nagpunta upang mag tanong-tanong sa pagbagsak ng eroplano.



No comments:

Post a Comment