Handa Akong Mamatay
( Talumpati )
Isinalin ni Doyle Camba mula sa "I am Prepared to Die" ni Nelson Mandela
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Nelson Mandela
Nelson Rolihlahla Mandela (18 Hulyo 1918 – 5 Disyembre 2013) – kauna-unahang “black President” ; isang politiko na naglingkod bilang Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng Pambansang Kongresong Aprikano (ANC), at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe. Sa kanyang 27 taon na pagkakakulong, halos ang kabuoan ng panahon ay ang pananatili sa Pulo ng Robben, si Mandela ay naging isang malawakang pigura sa laban sa apartheid.
2. URI NG PANITIKAN
Talumpati
Sapagkay ito ay naglalaman ng kaisipan at opinyon ni nelson mandela na ipanapaalam sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng entablado. Nakikita rin na nagbigay sya ng impormasyon sa mga tao
Sinasabi dito na kailangan baguhin ang batas yung batas na nagpapanatili sa kapangyarihan ng mga mapuputi na mangibabaw at mas umangat sa mga Africano dapat alisin at mapalitan na ang batas na ito dapat gawing pantay-pantay ang lahat maputi man o maitim dapat ay may libreng paaral sa mayaman man o mahirap at dapat ay bigyan din sila nang disenteng pasahod at maayos na tarabaho at nais din nila na maging malaya malayang umalis kahit ano mang oras at nais nilang mag karoon ng karaparan dahil kung wala ito ang buhay nila ay parang isang lumpo.
4. TEMA/PAKSA NG MAY AKDA
Ang pahayag na ito ay ginawa ni Mandela noong 1964, kumbaga ito yung appeal niya sa korte. Pinakita sa pahayag na 'to ang pangunahing gusto ni Mandela sa buhay, gusto niyang tapusin ang hindi pagkapantay pantay at pagkahiwalay sa loob ng south africa.Nakaranas dati ng diskriminasyon ang mga afrikans at gustong maitigil ni mandela ang ganitong bagay , kaya pinaglaban niya ito.para sa akin ang pokus ng pahayag na ito ay ang pagiging pantay pantay at patas.Kasi di rin naman tama na may mga taong nakakadanas ng diskriminasyon o hindi tamang pagtrato sa kanila.Pinagpaban ni Mandela ang ideya na ito, sobra na handa siyang mamatay para dito.Naniniwala ako na ang mensahe na gustong ipahayag ni Mandela ay itigil ang racial diskriminasyon,hindi lang sa mga Africans, pati na rin sa ibang lahi.Pare-parehong tayong mga tao at dapat walang naghahati sa atin.Kailangan maiwasan ang diskriminasyon dahil wala naman magandang nadudulot ito,pwede lang itong mauwi sa away at hindi pagkaunawaan.
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA PAKSA
1. Tagapagsalaysay - nagsasalaysay tungkol sa buhay ng mga African
2. Mga African - mga taong pinagkaitan ng karangyaan ng mga puti sa sarili nilang bayan
3. Mga puti/Ibang lahi - mga taong marangya o mayayaman
4. Mga pulisya - mga taong nagmamanman sa mga African dahil ito ay pinahihintulutan ng batas sa passbook
6. TAGPUAN/PANAHON
Ang unang tagpuan at panahon kung saan at kailan naganap ang kuwento ay sa Niger Company sa Umuru kung saan isang klerk ang ating pangunahing tauhan. Ikalawang tagpuan naman ay sa mga club na kaniyang pinupuntahan tuwing nagpapasya siyang magsiya, makihalubilo at uminom sa kanyang mga ka barkada at sa mga ibang tao. Ikatlo ay sa bahay ng pangunahing tauhan, sa kaniyang katre kung saan nagpakita sa kaniya si Mami Wata. At ikaapat at huling tagpuan ay sa bahay ni Matthew Obi na kaniyang tinakbuhan nang siya ay matakot sa diwatang bumisita sa kaniya.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang ideyang ito ay simple kung titignan, ngunit napaka lalim ng pinanggagalingan. Isa na rito ang pagmamahal ni Nelson Mandela, ipinagtatanggol nya ang mga karapatan ng mga Africans sa pamamagitan ng pagiit sa polisya ng National Liberation Movement. Nais nilang ipaglaban ang aspekto ng kahirapan at kawalan ng dignidad sa buhay ng mga Africans. Ipinahayag nya kung paano sila makakaalis sa kamay ng kahirapan sa pamamagitan ng matinong Edukasyon at paramihin ang mga manggagawa, ngunit ito ay hinahadlangan ng batas ng mga puti dahil sila ay nasa kamay ng batas nito.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
"Higit sa lahat, nais namin ay pantay na karapatan, dahil kung wala ito, kami'y panghabang-buhay na magiging lumpo."
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng may akda.
10. BUOD
Nilalabanan nila ang dalawang aspekto ng buhay-African at South Africa na nakatala sa saligang batas na nais nilang tanggalin. Ang mga aspektong ito ay kahirapan at kawalan ng dignidad. Bakit? Dahil hindi dapat nila ito nararanasan. Lumaban sila sa abot ng kanilang mga lakas upang proteksiyonan ang kanilang mga mamamayan, kanilang kinabukasan, at ang kanilang kalayaan. Ngunit lahat ng ito ay tinatanggal ng pamahalaan ng South Africa sa mismo nilang mga tao. Dinidiskrimina nila lalo na ito. Nawawalan ng dignidad ang mga mamamayanan nila at mas pinapaboran nila ang mga puti. Makikita natin dito kung gaano 'kaunfair' ang pagtrato ng pamahalaan sa kanilang bansa. Maraming pwedeng solusyon na magawa ngunit mas pinili nilang pahirapan ang mga ito. Dumating sakanila ang pinakamasalimuot na pangyayari at kinelangan mamili kung lalaban o hindi para sakanilang mga sarili. Kung ikaw ba ang tatanungin, handa ka bang mamatay para sa iyong bayan?

No comments:
Post a Comment